Mga nagsusulong ng revolutionary government nagsagawa ng caravan sa North Cotabato

Isang caravan ang isinagawa ng grupong People’s congress sa North Cotabato nitong Sabado bilang suporta sa planong revolutionaty government.
Ayon kay People’s Congress North Cotabato Secretary Baser Cudales nagsimula ang nasabing caravan sa bayan ng Libungan dumaan sa bayan ng Midsayap, Aleosan Pikit ,Tulunan at Alamada. Ito ay bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa isinusulong nilang revolutionary government.
Naniniwala ang kanilang grupo na makakamit ng bansa ang kapayapaan at kaunlaran sa pagsusulong ng reporma sa gobyerno. Magiging daan aniya ito sa nilulutong pederalismo na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments