Mga nagtapos sa PMMA, hinikayat na panatilihin ang magandang imahe ng Pilipinas sa maritime industry sa buong mundo

Hihimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga bagong nagtapos sa Philippine Merchant Maritime Academy (PMMA) na tulungan ang Pilipinas na panatilihin ang magandang global figure ng Pilipinas sa maritime industry.

Sa talumpati ng pangulo sa ika-200 commencement exercises ng PMMA sa San Narciso sa Zambales, sinabi nitong anumang pagsubok na kaharapin ng 224 na mga bagong graduates ay tiwala siyang isasapuso ng Madaksilan class ng PMMA ang pagiging magiting at may dangal habang ginagampanan ang kanilang trabaho.

Sinabi pa ng pangulo na umaasa siyang itataguyod ng mga bagong graduate ang pagiging asset ng Pilipinas sa buong mundo.


Nanawagan din ang pangulo sa lahat ng kaukulang ahensya ng pamahalaan na makipagtulungan sa PMMA sa pag-angat ng maritime education sa bansa.

Pinatitiyak ng pangulo na lahat ng magiging hakbang sa maritime industry ay nakabatay sa batas at regulasyon.

Matatandaang kamakailan lamang ay naresolba ng Pilipinas ang isyu sa bantang pag-ban sa mga Filipino seafarer sa Europe dahil sa kabiguang makatugon sa European Martime Safety Standards.

Facebook Comments