Pagpapataas ng produksyon sa agricultural products sa mga lugar na hindi tatamaan ng tagtuyot, target ng binuong El Niño team

Gagawa ng stratehiya ang Department of Agriculture (DA) upang hindi tuluyang maapektuhan ang suplay ng pagkain kapag naranasan na ang epekto ng El Niño.

Sa pulong ng El Niño team, sinabi ni Agriculture Director Nichols Manalo na magkakaroon ng reduction sa produksyon ng mga agricultural products sa mga lugar na posibleng matinding maapektuhan ng tagtuyot habang dadamihan naman ang pagtatanim sa mga lugar na hindi ganon katindi ang epekto ng El Niño.

Mamamahagi rin sila ng mga binhi na hindi kailangan ng maraming tubig at ima-maximize naman ang tubig mula sa mga irigasyon.


Paglilinaw ni Manalo, hindi naman buong bansa ay maaapektuhan ng El Niño.

Kung kaya’t magpapatupad sila ng iba’t ibang mitigating measures upang hindi maaapektuhan ang suplay ng pagkain sa bansa.

Una nang tinuran ng El Niño team na maliban sa whole of government approach kung saan sama-sama ang gobyerno sa pagtugon, mahalagang makibahagi rin ang publiko sa pagtugon sa El Niño.

Facebook Comments