Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga otoridad na sangkot sa pagtatanim ng ebidensiya o planting of evidence sa mga inosenteng indibidwal.
Ayon kay Pangulong Duterte, kadalasan ay target ng mga baluktot na otoridad ay ang mga mahihirap pati na ang mga kabataan dahil madaling matakaot ang mga ito.
Paliwanag ng Pangulo, isa itong uri ng pangaapi at isang malaking halimbawa ng katiwalian na ang nagiging biktima ay ang mga mahihirap at ang mga bata.
Kaya naman nagbabala ang Pangulo sa mga otoridad na nagtatanim ng ebidensiya na mauuna ang mga ito sa impiyerno at agad na aaksyon ang Pamahalaan sa mga ganitong klase ng reklamo.
Sinabi pa ng Pangulo na walang magagawa ang mga mabibiktima ng mga ito dahil kaysa makasuhan ay kakagat nalang ang mga ito sa pa-in ng mga otoridad lalo pa at non-bailable ang kasong may kinalaman sa iligal na droga.