Mga nagtitinda ng baboy sa lungsod ng Maynila, hindi pabor sa ipapatupad na price ceiling

Hindi pabor ang mga nagtitinda ng baboy sa ipapatupad na 60 na araw na price ceiling para sa karneng baboy at manok sa Metro Manila.

Partikular na umaalma ang mga vendors sa Trabajo Market sa Sampaloc, Paco Market at Quinta Market.

Nabatid na aminado ang mga vendors na hindi nila kaya ang itinakdang price ceiling ng karneng baboy at manok.


Iginigiit ng mga vendors na hindi lang ang palengke ang dapat tutukan sa pagpapatupad ng price ceiling sa karneng manok at baboy kundi maging sa farm grower at trader.

Paliwanag ng mga vendor, bumaba na ang presyo ng baboy kumpara noong mga nakalipas na araw pero umaabot pa rin ng 300 pesos kada kilo ang puhunan nila habang 160 pesos naman sa manok.

Hiling nila na masusing pag-aralan ang isyu ng pagtaas ng presyo ng mga karne ng baboy at manok kung saan nararapat alamin kung anong dahilan nito.

Facebook Comments