Mga nagtitinda ng SIM card sa Baclaran, nagpapabayad ng P20 hanggang P50 para sa SIM card registration

Kanya-kanyang diskarte ang publiko upang makahabol sa deadline ng SIM card registration sa April 26.

Sa Baclaran, Parañaque City, nagpapabayad ang ilang tindero ng SIM cards sa halagang 20 hanggang 50 pesos upang tulungan ang mga subscriber na hindi pa rehistrado ang kanilang SIM.

Paliwanag ng mga SIM card seller, kumakain ng malaking internet data ang SIM card registration kaya malaki ang tiyansang hindi maging successful ang pagpaparehistro kung mahina ang internet connection.


Sa kabila ng alok na dagdag-singil, nananatiling mabenta ang kanilang mga SIM card.

Sa datos ng Department of Information and Communications Technology, wala pa sa 60 percent ng mga SIM users ang hindi nakakapagrehistro sa mga telecommunications company.

Facebook Comments