Lebel ng tubig sa Angat at San Roque dam, bahagyang bumaba ngayong umaga

Bahagyang bumaba kaninang umaga ang lebel ng tubig sa ilang dam sa luzon.

Sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrology Division, nasa 195.99 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Mas mababa ito ng 0.33 meters kumpara sa 196.32 meters noong Linggo ng umaga.


Habang bumaba rin ng 0.26 meters ang lebel ng tubig sa San Roque Dam.

Samantala, umakyat naman ang water level sa mga dam ng Ambuklao, Binga, Pantabangan, Magat at Caliraya.

Hindi naman gumalaw ang lebel ng tubig sa Ipo at La Mesa Dam.

Facebook Comments