Nagsimula noong Enero ngayong taon ang paanyaya ng Province of Pangasinan sa mga manunulat para sa 7th Kurit Panlunggaring at kahapon nga ika lima ng Abril pinarangalan na ang mga nagwagi sa Sison Auditorium Lingayen Pangasinan.
Nanalo sa Youth Division Poetry Writing ang “Nen Inmimis so Tawen, Akasulat ak na Anlong” na isinulat ni Ma. Rachel Torres at naguwi ng 5,000, sa Adult Division naman panalo ang tulang “Edades” ni James Dennis Tandoc. Sa Essay Writing (Youth) nanalo ang “Yaman na Kulturan Tawir, Wala ed Kapoter” na kansyon ni Realyn Nepascua. Nanalo ang “Say Alenleng Tan Nidumaduman si Idong” sa Children’s Story ni Alma Nepascua (Adult) at ang “Say Yegyeg tan saray Kumpapey” ni Shane Carmie Sapera ang nanalo sa Short Story (Adult) at mayroong premyong 15, 000.
Ang Kurit Panlunggaring ay nagsimula noong 2012 at daan upang mapayabong at aang dayaletong Pangasinan at pagbibigay karangalan sa mga manunulat ng Pangasinan.
Contributed by:
Allen Mayo
[image: 56356590_270492733889067_1600803043580837888_n.jpg]