Mga nagwagi sa Race to Zero campaign vs COVID sa QC, inanunsyo na

Inanunsyo na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga barangay na tatanggap ng cash incentives sa ilalim ng Race to Zero COVID-19 campaign nito.

Ito ay ang mga Brgy. Sikatuna Village, Quirino 3B-Claro at Dioquino Zobel para sa small barangay category na tatanggap ng ₱50,000.

Sangandaan at Loyola Heights naman sa medium group na tanggap ng ₱100,000 at Sauyo at Fairview sa large barangay class na uuwi ng ₱200,000.


Nakakuha ang naturang mga barangay ng markang 85 pataas base sa assessment ng City Epidemiology and Surveillance Unit.

Kinilala rin ni Mayor Joy Belmonte ang mga barangay personnel na nagkasakit ng COVID-19 habang ginagampan ang tungkulin.

Ginawaran sila ng Dakilang Frontliner Award at binigyan ng ₱10,000 cash aid.

₱20,000 na financial assistance naman ang ibinigay sa pamilya ng mga barangay frontliners.

Kinilala rin ni Belmonte ang mga ang barangay na nakapagpakita ng best practices sa panahon ng special concern lockdown.

Facebook Comments