MGA NAGWAGI SA SAND SCULPTING COMPETITION 2023, KILALANIN

Matagumpay na naisagawa ang Sand Sculpting Competition sa Capitol Beach Front Area sa bayan ng Lingayen, Pangasinan nito lamang nakaraang April 15 ngayong taong 2023. Ito ay bilang bahagi ng selebrasyon ng Pistay Dayat.
Masaya ang mga sumali sa nasabing aktibidad lalong lalo na ang mga nagwagi. May iba’t ibang category ang nasabing kompetisyon.
Nasungkit ng grupo ni Wilson Pineda ang premyo at kampeonato para sa young adult category na may entry na “GALILA ED PANGASINAN” at ang pamilya ni Idol Robert Sison naman para sa family category na may entry title na “KASAGANAAN”.

Samantala, nakuha naman ni Efren Antenor ang 1st runner up slot na ang kanilang entry ay may pinamagatang “BILAY ED DAYAT”, ang 2nd runner up naman ay nakuha ng grupo ni Angela Nacional na pinamagatang “PINABLI’Y BILAY NA MALIKET”. Sa family category naman ay nakuha ni Albert Sison na may entry na tinawag nilang “SIGAY” na naging 1st runner up at ang pang huli naman na nakuha bilang 2nd runner up ay pamilya ni Harold Baluyot na may entry na “Aro”.
Sabi naman ni Engr. Alvin Bigay, chairman ng sand Sculpting Competition ay nagpapasalamat sa lahat ng nakipagparticipate sa kompetisyon. Binigyang pugay nila ang lahat ng sumali dahil rin sa kabila ng ilang oras na paghulma at pagtiis sa mainit na panahon. |ifmnews
Facebook Comments