FARM TO MARKET ROADS SA BAYAN NG SAN NICOLAS, PATULOY SA KONSTRUKSYON

Nagpapatuloy ang pagpapaayos ng mga daan at kalsadahan sa mga barangay sa bayan ng San Jacinto bilang tugon sa mga hinaing ng mga residente rito partikular ang mga magsasaka.
Prayoridad ang kapakanan ng mga magsasaka sa bayan dahil sa kanilang mga idinadaan na mga ani para sa hanapbuhay kaya’t puspusan ang ginagawang pagsasaayos nito at upang makapagbigay ng maayos na pagtransport ng mga produkto.
Pinagsisikapan naman ng lokal na pamahalaan ng bayan at tanggapan ng ikaanim na distrito ang patuloy na pagpondo rito upang matapos ito at mapakinabangan na ng mga residente rito. |ifmnews

Facebook Comments