Mga nagwagi sa virtual challenges ng Miss Universe Philippines 2021, kilalanin!

Inanunsiyo na ng Miss Universe Philippines 2021 ang mga kandidatang nagwagi sa kanilang limang virtual challenges.

Base sa desisyon ng panel Kabilang sa mga nanalo sina:

Maria Corazon Abalos ng Mandaluyong – Headshot Challenge


Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City – Introduction Challenge

Steffi Rose Aberasturi ng Cebu Province – Runway Challenge

Maureen Wroblewitz ng Pangasinan – Casting Challenge

Victoria Velasquez Vincent ng Cavite – Interview Challenge

Nanguna naman si Kisses Delavin sa Headshot at Introduction Challenge kung pagbabasehan ang fan votes.

Ngayong linggo, ia-anunsyo ng MUP ang Top 30 official candidates na magtatagisan sa Miss Universe Philippines 2021 sa Setyembre

Facebook Comments