Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga lumalabag sa pinaiiral na gun ban kaugnay ng halalan 2022 sa bansa.
Sa datos ng Philippine National Police (PNP) ngayong Sabado, April 23, umabot na ito sa 2,752 matapos mahuli ang karagdagang 19 na violator kahapon.
Sa nasabing bilang, 2,639 ang sibilyan, 44 ang security guards, 16 ang miyembro ng PNP, 17 ang tauhan ng AFP at 25 ang iba pang violators.
Pinakmarami sa mga nahuli ay sa National Capital Region (NCR) na may 1,019; kasunod ang Region 4A 313; Region 7 283; Region 3 258; at Region 6, 159.
Nakumpiska sa mga ito ang 2.083 na baril; 1,013 na deadly weapons, kabilang ang 105 pampasabog; at mahigit labing isang libong mga bala.
Mula January 9 hanggang kasalukuyan, umabot na sa 2,629 ang naisagawang gun-ban operations ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa bansa.