Mga nahuling lumabag sa health protocols sa Navotas, higit anim na libo

28

Mahigit 6,000 residente ng Navotas ang lumabag sa ipinatutupad na safety measures laban sa COVID-19.

Sa 6,566 na violators sa quarantine protocols, 4,103 ang nahuling hindi nagsuot ng face mask o hindi tama ang pagkakasuot nito, 2,064 ang lumabag sa curfew, at 399 ang nakikipagkumpulan at di sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Kahapon ay pinakamaraming nahuling lumabag sa quarantine protocols ang Barangays Bangculasi, Tanza 1, Tanza 2, Daanghari at San Roque.

Nanawagan naman ang lokal na pamahalaan ng pakikiisa sa mga residente na sumunod sa health protocols upang matapos na ang pandemya.

Facebook Comments