17 COVID-19 quarantine facilities, malapit nang buksan – DPWH

43

Nakatakdang buksan sa susunod na linggo ang nasa 17 quarantine facilities para ma-accommodate ang karagdagang COVID-19 patients.

Sinabi ni Department of Public Works and Highways Build Build Build Committee Chairperson Anna Mae Lamentillo, ang mga bagong pasilidad ay magagamit kung kinakailangan.

Dagdag pa ni Lamentillo, ang lahat ng lalawigan sa bansa ay mayroon ng quarantine facilities kung saan maaaring manatili hanggang sa makarekober ang COVID-19 cases.

Pagtitiyak ni Lamentillo na ang mga pasilidad ay komportable sa mga gumagamit nito.

Facebook Comments