Mga naipamigay na fuel subsidy card, mahigit 70,000 na!

Umabot sa 71,876 ang naipamahaging Pantawid Pasada Fuel Subsidy Cards ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Katumbas ito ng mahigit P359 million na halaga ng ayuda sa mga lihitimong franchise owner ng mga pampasaherong jeep at kanilang mga tsuper.

Sa ilalim ng Pantawid Pasada Program, pinagkalooban ng tig-P5,000 subsidy ang PUJ operator at driver kung saan sinimulan itong ibinigay mula July 2018 hanggang December 28, 2018.


Ito ay pinondohan sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Facebook Comments