Problema sa iligal na droga under control na – PRRD

Manila, Philippines – Ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte na under control na ang iligal na droga sa bansa.

Ayon sa Pangulo, kahit pa ganito na ang sitwasyon say kailangang magpatuloy pa rin ang kampanya ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot upang mas mabawasan pa ang gumagamit at nagbebenta nito.

Binigyang diin din ni Pangulong Duterte na sa nalalabing taon niya sa panunungkulan ay puro mga malalaking isda sa iligal na droga ang tatamaan ng kampanya ng pamahalaan.


Sinabi din ni Pangulong Duterte na magiging madugo ang kampanya ng gobyerno kontra sa iligal na droga hanggang matapos ang kanyang termino bilang Pangulo ng bansa.

Una na rin namang inamin ni Pangulong Duterte na nabigla siya sa lawak ng problema ng bansa sa iligal na droga nang makita niya ang detalye nito nang maupo siya bilang Presidente kaya nangako ito na hindi hihinto ang paglaban ng kanyang pamahalaan sa iligal na droga hanggang sa huling araw ng kanyang termino.

Facebook Comments