Mga nais magpabakuna na health workers sa PGH, wala pa sa 10%

Inihayag ngayon ng pamuan ng Philippine General Hospital (PGH) na nasa 200 pa lamang umano ang nagpaparehistro na mga medical personnel na gustong magbakuna maatapos ang symbolic vaccination na gagawin ngayong umaga.

Sa isang panayam kay UP-PGH Spokesperson Jonas del Rosario, bukod sa 200 nag-fill out ng form ay hindi lamang umano mga hospital staff at kabilang sa mga babakunahan ay sina PGH Director Gap Legaspi, Dr.Edsel Salvana at Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo.

Nagpaliwanag naman ang opisyal kung bakit hindi siya kasama sa babakunahan taliwas sa unang napaulat dahil aniya dati na siyang tinamaan ng COVID-19.


Sinabi ni del Rosario na mataas pa ang kanyang anti-bodies kaya hindi pa ito maaaring maturukan ng bakuna.

Umaasa naman ang tagapagsalita ng PGH na maabot ang 5,000 na magpapabakuna sa kanilang ospital o kung hindi man, target nila na makuha ang 10 percent sa nasabing bilang.

Ipinaliwanag din ni Del Rosario na kapag nakaramdam ng pananakit ng katawan kung saan itinurok ang bakuna ay nangangahulugan lamang na tumatalab ang bakuna sa katawan ng isang indibidwal.

Facebook Comments