Mga naitalang aftershock matapos ang magnitude 7 na lindol sa Hilagang Luzon, umabot na sa higit 2,400

Tuloy-tuloy pa rin ang naitatalang afterschock ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) mula nang tumama ang magnitude 7 na lindol sa Abra noong Hulyo 27.

Ayon kay PHIVOLCS Undersecretary Renato Solidum, umabot na sa 2,406 ang naitatalang aftershock sa Hilagang Luzon.

Sa nasabing bilang, 58 dito ang naramdaman at nabatid na naglalaro sa magnitude 1.4 hanggang 5.1 ang mga naitatalang aftershock mula sa malakas na lindol.


Kasunod nito ay pinaghahanda ni Solidum ang publiko sa mas matataas pang aftershock na magdudulot ng Intensity 6 dahil mapanganib ito para sa mga nasirang bahay at gusali.

Samantala, pumalo na rin sa P22.7 million ang halaga ng pinsala sa mga irigasyon sa Hilagang Luzon, kung saan P18.2 million dito ay naitala sa Ilocos Region at P4.5 million naman sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Facebook Comments