Bagong Comelec Chairman George Garcia, pinangunahan ang kauna-unahang virtual en banc meeting

58

Pinangunahan ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia ang virtual en banc meeting kasama ang apat na commissioners sa pangunguna ni Commissioner Soccoro Inting.

Kasabay ito ng pagsisimula ng panunungkulan ngayong araw ni Garcia.

Kaugnay nito, limitado pa rin ang pinapapasok sa Comelec Main Office sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila.


Ito ay matapos ang naganap na sunog sa bahagi ng ika-pitong palapag ng Komisyon noong Linggo.

Work from home pa rin ang karamihan sa mga empleyado ng poll body dahil hindi pa rin pinapayagan ang operasyon ng mga elevator.

Dahil dito, akyat-baba sa hagdan ang ginawa ng mga tauhan ng COMELEC na kailangang pumasok sa kani-kanilang mga tanggapan sa ikapito at ikawalong palapag ng COMELEC.



Facebook Comments