Mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Cebu City, mild cases lamang ayon sa DOH Region 7

Karamihan sa mga kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa Central Visayas, partikular sa Cebu City ay pawang mild cases lamang.

Ito ang inihayag ni Dr. Mary Jean Loreche, Chief Pathologist ng Department of Health sa Region-7 sa interview ng RMN Manila.

Ayon kay Loreche, mula sa 4,539 latest COVID-19 cases sa Cebu City, less than 10-percent lamang nito ang severe cases.


As of June 24, 2020, nakapagtala ang Cebu City ng 97 na panibagong kaso ng tinamaan ng virus.

Pero, sinabi ni Loreche na ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang linggo kung saan karamihan rito ay mga asymptomatic.

Samantala, kinumpirma naman ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Region-8 o sa Eastern visayas.

Ayon sa kalihim, umabot na sa 431 ang total COVID cases kung saan 392 rito ang active cases.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Año na kakaunti lang ang critical cases sa Region 8 kung saan walang naitatang namatay o zero deaths sa Leyte.

Facebook Comments