Retired Boxing Champion Oscar Dela Hoya, nagpaplano nang bumalik sa ring

Nagpaplanong sumabak muli sa ring si Retired Boxing Champion Oscar Dela Hoya na nagpahinga ng halos labing-dalawang (12) taon.

Huling lumaban ang 47-anyos na boksingero noong 2008 nang talunin siya ni Filipino Boxing Champion Manny Pacquiao.

Ayon sa tinaguriang Golden Boy, na-enganyo siya kay Retired Boxing Champion Mike Tyson na nagpaplanong bumalik sa ring kaya nais niyang malaman kung kaya ba niya itong tapatan.


Handa naman si Dela Hoya na sumabak sa laban sinuman ang kaniyang makakatunggali.

Facebook Comments