Pumalo na sa halos 400 indibidwal ang naitalang nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Mark Timbal na nasa 397 na ang casualties na iniwan ng bagyo.
Karamihan aniya sa mga ito ay nabagsakan ng puno, nalunod sa baha o natabunan ng lupa dahil sa landslide.
Habang aabot naman ngayon sa 508,785 na kabahayan ang nasira bunsod ng bagyo na nagkakahalaga na ng kabuuang P28 million.
Samantala, nilinaw ni Timbal na hindi bahay-bahay ang pamamahagi ng mga relief goods para sa mga biktima ng bagyo kung kaya’t umaapela siya sa mga apektadong residente na makipag-ugnayan sa mga barangay officials para matiyak na makakatanggap sila ng tulong.
Facebook Comments