Mga nakabinbin na kaso sa COMELEC, pinareresolba na sa loob ng 45 araw

Nagpasa ng resolusyon ang Commission on Elections (COMELEC) na humihimok sa mga commissioner na resolbahin ang lahat ng nakabinbin na kaso sa division level sa loob ng 45 araw.

Batay sa COMELEC Resolution 10765 mula sa inamyendahang Resolution 9914 at 9929, pinatitiyak ang mahusay at mabilis na disposisyon ng mga kaso sa halalan.

Sa ilalim ng Resolution 10765, inaatasan ang mga miyembro ng dating First at Second Division na kumpletuhin at tapusin na ang resolusyon ng mga kaso na nauna nang na-raffle sa mga natitirang miyembro bilang ponente.


Kailangan din na ang mga nakabinbing mga kaso na itinalaga sa mga retiradong commissioner ay dapat i-imbentaryo at i-raffle sa mga natitirang miyembro ng En Banc o sa dating dibisyon.

Ang 45-araw na ay magsisimula mula sa bisa ng resolusyon o pagkatapos na mailathala ang COMELEC Resolution 10765.

Facebook Comments