Mga nakabinbing panukalang batas sa Office of the President, hindi pa napagtutuunan ng pansin ni Pangulong Marcos

Wala pang aksyon sa ngayon ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay sa mga pending bill na naabutan ng pagtatapos ng termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles, sa kasalukuyan, wala pang ginagawang komento ang pangulo kaugnay ng mga nakabinbing panukalang batas na hindi na nalagdaan pa ng nakaraang administrasyon.

Sinabi pa ni Angeles, hindi rin nila alam kung hahayaan na lang ba ng chief executive na mag-lapse into law ang mga bill na nasa tanggapan na ng pangulo.


Ilan sa mga enrolled bill na nasa Office of the President sa ngayon ay ang Vape bill na umanoy naisumite na sa Malacañang noong June 24.

As of June 21, 2022, sinasabing nasa 2 daang bill ang nalagdaan sa 18th Congress habang nasa may mahigit 1 daan pa ang nananatiling pending for approval.

Facebook Comments