Suspek na pumatay sa isang dalaga sa Bulacan, mayroong kinasasangkutan na ibang kaso

652

Iniharap kagabi sa media at kay Bulacan Governor Daniel Fernando ni Philippine National Police Provincial Director PCol. Charlie Cabradilla ang suspek na si Darwin de Jesus alyas Darwin Hernandez, ang sinasabing pumatay sa 23-taong gulang na babaeng industrial engineer na si Princess Dianne Dayor na natagpuan sa masukal na lugar sa Malolos, Bulacan.

Ayon sa Bulacan PNP, maraming kinasasangkutan na kaso ang suspek tulad ng attempted rape.

Samantala, lumabas din sa report ng SOCO na pinatay si Dayor sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang tali o sling ng kanyang bag.


Nang tanungin si Darwin, tahasan nitong itinanggi ang krimen at sinabing hindi niya pinatay ang biktima.

Bigo naman ang mga awtoridad na marekober ang nawawalang cellphone at wallet ni Dayor.

Kasunod nito, nakatakdang sampahan ng kasong robbery with homicide ang nadakip na suspek.



Facebook Comments