
Kanselado na ang ilang Philippine Airlines (PAL) flights papuntang Middle East na naka-schedule sa mga susunod na araw bunsod ng nagpapatuloy na kaguluhan sa lugar.
Anim na flights na biyaheng Doha, Qatar, Riyadh, Saudi Arabia, Dubai, United Arab Emirates (UAE) at Manila na naka-schedule bukas, March 12 ang kinansela na kabilang ang PAL flights PR685, 684, 654 at 655, 658 at 659.
Sa March 13, Biyernes, kanselado na rin ang PAL flights PR 684 at 685 na biyaheng Manila – Doha, Qatar at pabalik, flights PR 654 at 655 na biyaheng Manila-Riyadh Saudi Arabia at pabalik at flights PR 658 at 659 na biyaheng Manila-Dubai at pabalik.
Batay sa abiso ng PAL, kanselado na rin ang mga nasabing flights hanggang Lunes, March 16 habang kanselado na rin ang PAL flight PR 685 na naka-schedule lumipad pabalik ng Manila mula Doha sa March 17, Tuesday.
Pinapayuhan ang mga pasahero na i-check ang status ng kanilang flights sa opisyal na website ng PAL.










