Wala pang 2% ng mahigit 4-milyong nabakunahan ng COVID-19 vaccine ang nakaranas ng side effect sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakapagtala lamang ang National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC) ng 0.12% serious side effect habang 1.10% ang nagkaroon ng hindi seryosong side effect.
Aniya, hanggang ngayon ay walang naitala ang komite ng side effect na direktang may kaugnayan sa pagpapabakuna.
Kabilang sa serious side effect ng mga nabakunahan ay allergy at hirap sa paghinga habang ang non-serious side effect ay ang pagtaas ng blood pressue, pananakit sa bahagi ng naturuan ng bakuna at pananakit ng ulo.
Facebook Comments