Maaari nang tumanggap ng anti-COVID-19 vaccine ang mga nakarekober mula sa nasabing sakit 2 linggo matapos itong gumaling.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Lulu Bravo ng Vaccine Expert Panel na sa kasalukuyan ay ito ang kanilang rekomendasyon.
Nung una kasi 90 araw o 3 buwan mula nang makarekober ay doon pa lamang maaaring tumanggap ng bakuna ang isang recovered COVID-19 patient.
Samantala, ang mga tinamaan naman ng COVID-19 pero sila ay asymptomatic ay maaari na ring tumanggap ng bakuna makalipas ang 2 linggo.
Paliwanag ni Bravo, layon nitong maitaas o maparami ang antibodies ng isang indibidwal na tinamaan ng virus upang hindi ito mauwi sa severe case o pagkamatay.
Ani Bravo, maaari pa itong mabago sa mga susunod na panahon dahil tuluy-tuloy pa rin ang ginagawa nilang pag-aaral hinggil sa virus.