Mga Nakasalamuha ng Guro na COVID-19 Positive sa NFOT at NSPC, Inaalam na!

Cauayan City, Isabela- Nagpapatuloy ang contact tracing sa mga nakasalumuha ng isang opisyal ng Department of Education (DepED) na nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) na ngayon ay naka-confine sa ospital at bumubuti na ang kalagayan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Regional Director Estela Cariño ng DepEd RO2 sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Ayon kay RD Cariño, inimpormahan na ng DOH ang mga LGU’s sa mga lugar na maaaring napuntahan ng naturang opisyal upang makapagsagawa na rin ng contact tracing.


Nitong Miyerkules lamang lumabas ang resulta ng pagsusuri sa guro na nanggaling sa school division ng Mandaluyong at nagtuturo sa subject na Filipino.

Nabatid na bago tamaan ng COVID-19 ang pasyente ay mayroon itong sakit na Pneumonia.

Ang naturang opisyal ng DepEd ay mayroong travel history sa Tuguegarao City matapos dumalo sa National Schools Press Conference (NSPC) noong March 9 at National Festival of Talents (NFOT) sa City of Ilagan, Isabela at nakabalik sa Metro Manila noong March 12, 2020.

Paalala naman ni RD Cariño sa publiko lalo na sa mga estudyante at guro na huwag mag panic at sumunod sa mga protocols upang makaiwas sa sakit na COVID-19.

Facebook Comments