Natukoy na ng Department of Health (DOH) ang mga nagkaroon ng closed contact sa Pinay domestic helper na nagpositibo sa bagong COVID-19 variant sa Hong Kong.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga naging closed contact ng Pinay ay nakita sa Solana, Cagayan at maging sa Maynila kung saan siya nanatili bago tumungo ng Hong Kong.
Aniya, sumailalim na ang mga ito sa RT-PCR test at nakunan na rin ng swab sample.
Paliwanag pa ni Vergeire, kung mayroong magpopositibo sa kanila sa virus, dadalhin sila sa Philippine Genome Center (PGC) para sa sequencing para matukoy kung ito ay ang bagong variant.
Tiniyak din ni Vergeire na naka-quarantine at under monitoring na ang mga ito.
Facebook Comments