DOH, kinontra ang ‘worst is over’ conclusion ng Malakanyang sa pandemya

69

“Hindi pa napapanahon para magbigay ng konklusyon sa nararanasang pandemya.”

Ito ang naging tugon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa naging pahayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na “worst is over” sa COVID-19 situation sa bansa.


Ayon kay Vergeire, marami pang factors at pagsubok ang kahaharapin ng bansa kasama na ang banta ng bagong variant ng virus.

Sabi pa ni Vergeire, ang trend na nakikita ngayon ay hindi stable dahil bumababa at tumataas ang bilang ng mga kaso na epekto ng pagbaba ng 30 percent output ng mga laboratories.

Dagdag pa nito, hindi pa naitatala ang holiday activity sa mga numero na binibilang sa ngayon dahil sa incubation period.

Facebook Comments