Mga nakasalamuha ni Congressman Yap, pinayuhan ng Malakanyang na mag-self quarantine

229

Iginiit ng Malakanyang sa mga nakasalamuha ni Congressman Eric Yap na agad sumailalim sa 14 na araw na self quarantine para sa kanilang proteksyon at ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo makaraang ihayag ni Yap ang positibong resulta kahapon ng kanyang COVID Test na isinagawa noong March 15.


Si Yap ay kasama din sa naging pulong na isinagawa sa Malakanyang noong March 21 o nitong sabado na dinaluhan ng ilang miyembro ng Gabinete at mga opisyal ng Senado at Kamara.

Ayon kay Panelo, nakakalungkot ang pagiging positibo sa COVID-19 ni Congressman Eric Yap at dalangin nila ang agad nitong paggaling.

Facebook Comments