Nilinaw ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista na makakatanggap muli ng lima hanggang walong libong pisong ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ang mga nakatanggap na nito sa unang bahagi.
Sa Laging handa public press briefing sinabi ni Bautista sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, 2 buwan pagkakalooban ng tulong pinansyal ang nasa 18M low income families.
Paliwanag nito kahit na ang mga benepisyaryo ay nakatira sa mga lugar na kasama na ngayon sa General Community Quarantine (GCQ) kung saan maaari nang magbalik muli sa operasyon ang kanilang mga trabaho ay mabibigyan parin ng 2nd wave na ayuda.
Sa datos ng DSWD nasa 97.13% o P80B na pondo na ang kanilang naipamahagi sa bwan ng Abril sa ibat ibang Local Government Units (LGUs) sa buong bansa o katumbas ito ng 1,514 na nabigyang pondo na LGUs mula sa kabuuang 1,632 lgus sa buong bansa.