Mga nakatatanda, bata at may comorbidity binigyan ng go signal ng IATF na makapag-ehersisyo sa labas ng tahanan

Inamyendahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ilang bahagi ng mga patakaran sa ipinatutupad na pilot implementation sa Alert Level system sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque kabilang dito ang pagpayag na makapag-exercise sa labas ng bahay ang mga nasa edad 18 pababa, mga indibidwal na edad 66 pataas, mga may immunodeficiencies, comorbidities at iba pang health risk kasama ang mga buntis.

Gayunpaman limitado lamang ito sa loob ng kanilang barangay, purok, subdivision o village.


Pinapayagan na rin ng IATF ang lamay, libing at inurnment ng mga nasunog o na cremate na labi ng mga namatay sa COVID-19 kahit ano pa ang community quarantine classification basta limitado lamang ito sa immediate family members.

Paglilinaw ng kalihim, effective immediately ang nasabing kautusan.

Facebook Comments