Isinusulong sa Kamara na mabigyan ng proteksyon ang mga nakatatanda laban sa anumang uri ng pang-aabuso.
Sa Houses Bill 109 na inihain ni Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr., ituturing na public offense ang pang-aabuso sa mga nakatatanda.
Layon din ng panukala na bigyan sila ng angkop na tulong para matiyak ang kanilang personal na kaligtasan at seguridad.
Sa isang pag-aaral, lumalabas na 40% ng elderly respondents ay umaming nakaranas ng pang-aabuso.
Karaniwan naman sa mga pang-aabuso na nararanasan ng mga matatanda ay physical, sexual, psychological o emotional, material o financial at neglect o kapabayaan.
Mahaharap naman sa parusa ang mga mapapatunayang nang-abuso sa nakatatanda sa ilalim ng Revised Penal Code.
Facebook Comments