Mga nakatira sa ilang mga bayan sa Batangas, pinayagan nang makabalik

Pinayagan nang makabalik ang mga residente sa ilang bayan sa Batangas matapos ibaba ng Phivolcs sa alert level 3 ang Bulkang Taal.

Ayon kay Batangas Governor Hermilando Mandanas – pwede nang bumalik ang mga bakwit na nakatira sa 12 bayan at siyudad na isinailalim sa lockdown, maliban sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel.

Ang Taal Volcano Island ay nasa permanent lockdown kaya hindi na pwedeng tirhan.


Binibigyan ng pamahalaang panlalawigan ng batangas ng pagkakataon ang mga alkalde na magdesisyon kung pababalikin na ang mga residente.

Maliban dito, ipapaubaya na rin niya sa mga LGU ang pag-iisyu ng mga direktiba sa kanilang nasasakupan, kabilang na ang curfew, security checkpoints upang maprotektahan ang mga residente.

Tiniyak naman ng Joint Task Force Taal na naka-deploy na ang kanilang mga tauhan upang tiyakin na magiging mapayapa at maayos ang pagbabalik ng mga residente.

Facebook Comments