Lokal na pamahalaan ng Agoncillo Batangas, humiling na magkaroon ng window hours sa kanilang bayan

Umapela ang lokal na pamahalaan ng Agoncillo, Batangas na payagang makabalik ang mga residente kahit sa loob ng window hours.

Nabatid na sakop pa rin ng seven-kilometer radius danger zone ang bayan – kaya pinagbabawalan pa ring makauwi ang mga residente.

Ayon kay Agoncillo, Batangas Mayor Daniel Reyes – humihingi sila ng ilang oras para mabalikan ng mga residente ang kanilang mga naiwang hayop at gamit.


Paglilinaw naman ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas na walang transportasyon at pagkaing ibibigay sa mga evacuee sakaling magpaysa silang bumalik.

Umapela naman ang Joint Task Force Taal na huwag munang isama pauwi ang mga bata at may sakit dahil nakataas pa rin ang alert level 3.

Facebook Comments