Mga nakumpiskang face mask at PPE ng customs, planong ipamahagi sa mga frontliners

Pinagpa-planuhan na ng Bureau of Customs (BOC) na ibigay na lang sa mga frontliners ang mga nakukumpiska nilang kontrabandong face mask at mga Personal Protective Equipment (PPE).

Ayon kay Customs Spokesperson Philip Maronilla, nakikipag- ugnayan na sila sa Department of Justice (DOJ) upang maisapinal ang ilang mga hakbangin tungkol sa mga nasamsam na medical items.

Dagdag pa ni maronilla, kasama nila ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pakikipag-koordinasyon sa DOJ kung saan sila din ang nagkasa ng mga raid at nakakumpiska ng mga overpriced alcohol.


Aniya, sinisikap nilang mapabilis ang forfeiture ng mga kumpiskadong smuggled items para ma-i-donate na sa mga health workers na tunay na nangangailangan ng proteksiyon sa kanilang ginagawang pagtingin sa mga pasyente ng COVID-19.

Sinabi pa ni Maronilla na mayroon nang 2,865 ang na-process na mga shipment ng personal protective equipment kasama na dito ang emergency medical supplies at equipment.

Facebook Comments