MANILA – Patuloy na iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naarestong suspek na umano’y hacker na pumasok sa website ng Commission on Elections (Comelec).Sinabi ni Cybercrime Division Executive Officer na pag-aaralan pa nila ang mga nakumpiskang gamit ng suspek para malaman kung siya rin ang nasa likod ng pananabotahe sa iba pang website ng gobyerno.Aminado naman si Lorenzo na baka magamit sa identity theft ang mga nahack na mga personal na impormasyon ng mga botante.Kaugnay nito, nagsorry ang Comelec sa pagkaka-hack ng kanilang website.Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, ginagawa na nila ang lahat para masolusyunan ang insidente.Patuloy kasi ang ginagawang pag-atake ng mga hackers sa kanilang website kung saan maging ang pribadong impormasyon ng mga botante ay naisapubliko na.Inaabisuhan naman ng Comelec ang publiko na huwag gamitin ang website ng mga hacker.Sa kabila nito, tiniyak ng Comelec na mapapanatili ng poll body ang seguridad ng mga boto sa halalan dahil ibang website ang kanilang gagamitin.
Mga Nakumpiskang Gamit Sa Umanoy Nang-Hack Sa Website Ng Comelec – Pinag-Aaralan Ng Nbi
Facebook Comments