Puspusan ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa iligal na droga.
Sa datos ng PNP mula January 1 hanggang June 9, 2023, umabot na sa ₱6.2 billion na halaga ng shabu ang kanilang nasabat.
Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., bunga ito ng 19,464 drug operations kung saan naka-aresto sila ng 25,641 drug offenders.
Paliwanag ni Acorda Jr., buo ang suporta ng PNP sa Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) program ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. na ang pokus ay demand reduction pagdating sa ipinagbabawal na gamot.
Maliban sa kampanya kontra iligal sa droga, puspusan din aniya ang kampanya ng PNP sa wanted persons na sa ngayon ay 31,956 na ang naaresto ng Pambansang Pulisya.
Facebook Comments