Mga namatay sa dengue outbreak sa Sri Lanka, umabot na sa 227

Sri Lanka – Umabot na sa 227 ang bilang ng mga nasawi dahil sa dengue-outbreak sa Sri Lanka.

Habang 79, 000 naman na kaso nito ang naitala ngayong taon na tatlong beses na mas mataas kumpara noong 2009.

Ayon kay Health Minister Rajitha Senaratne – ang pagpataas ng dengue cases ay bunga ng pagbaha sa lugar dahil sa sunod-sunod na pag-ulan.


Samantala, patay ang 14 na sibilyan nang mabagsakan ng bomba sa airstrike ng Nigerian government forces matapos silang mapagkamalang miyembro ng extremist group na Boko Haram.

Ayon kay Yahaya Godi, secretary general ng Diffa Regional Authority – nagpunta ang mga biktima sa Adabam sa border ng Nigeria na mahigpit na ipinagbabawal dahil na rin sa tumitinding rebelyon sa lugar.

Facebook Comments