Mataas na ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte, ikinatuwa ng Malakanyang

63

Manila, Philippines – Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na satisfaction ratings sa 2nd quarter survey na ginawa ng Social Weather Station o SWS.

Base sa resulta ng survey na ginawa noong June 23 hanggang 26 2017 sa 1,200 respondents, nakakuha si Pangulong Duterte ng +66% o very good net satisfaction ratings.

Ito na ang pinakamataas na satisfaction ratings ng Pangulo mula noong Setyembre noong nakaraang taon.


Base rin sa nasabing survey, bumaba naman ang net satisfaction ratings ng Pangulo sa Mindanao mula sa +87 patungo sa +75.

Ikinatuwa naman ng malakanyang ang panibagong survey na nagpapakita ng tiwala ng publiko sa Pangulo.

Sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, patunay lang ito na kahit kaliwa’t kanan pa ang ibatong batikos laban sa Pangulo mananatili pa rin ang tiwala ng taumbayan dito.



Facebook Comments