Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga indibidwal na nagsisinungaling o namemeke ng “comorbidities” o sakit para makasingit sa bakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nakarating na sa kanila ang mga ulat na ilang indibidwal ang nagpe-prisenta ng pekeng dokumento na sila ay may comorbidities o sakit para agad maturukan ng COVID-19 vaccine.
Aniya, may ilang mga batas na nagpapataw ng parusa laban sa mga mapapatunayang namemeke ng mga dokumento para mabakunahan.
Giit ni Vergeire, ginagawa naman ng gobyerno ang lahat ng paraan para lahat ng Pilipino ay mabakunahan.
Tiniyak naman ni Vergeire na patuloy ang kanilang paghihigpit sa vaccination screening para mapatunayag may comorbidities o sakit ang babakunahan.