Nagbabala ang Department of SOcial Welfare Development Field Office 1 sa mga indibidwal na namemeke ng dokumento at nagpapanggap upang maging benepisyaryo ng educational assistance.
Ayon kay DSWD Regional Director Marie Angela Gopalan, may mga nadiskubre na ang kagawaran sa ganitong maling gawain.
Aniya, kakasuhan ang mga ito o kung nabigyan na ng assistance ay ipapabalik sa mga ito ang perang natanggap. Sa huling datos ng kagawaran nakapagpamahagi na ito ng 20. 4 milyon sa 5, 715 na benepisyaryo sa Ilocos Region.
Hanggat aniya may pondo, patuloy na tutulong ang kagawaran sa natitira pang limang sabado ng distribusyon ng educational assistance. | ifmnews
Facebook Comments