Mga nananamantala sa presyo ng water container o drum binalaan ng Department of Trade and Industry

Nag-isyu na ng notice of violation ang Department of Trade and Industry (DTI) laban sa ilang tindahan na nananamantala sa nararansang water crisis ngayon.

 

Nabatid na nagtaas ng hanggang sa 200-300 porsyento ang presyo ng timba, drum at iba pang imbakan ng tubig sa ilang maliliit na tindahan at pamilihan.

 

Babala ni Trade Undersecretary Ruth Castelo kapag napatunayang may paglabag maaaring maharap ang mga ito sa paglabag sa Price Act.


 

Kaugnay nito umapela si Castelo sa publiko na bumili na lamang ng mga imbakan ng tubig sa supermarket dahil dito, fixed ang presyo ng mga ito.

Umaapela din ang opisyal sa mga local gov’t units na mahigpit na imonitor ang presyuhan ng imbakan ng tubig sa kanilang nasasakupan.

 

Sa katunayan lumiham na si Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sa Department of the Interior and  Local Government upang atasan ang mga Local Government Units na paigtingin ang pagbabantay sa presyo ng mga imbakan ng tubig na ngayon ay sinasamantala ng ilang negosyante.

Facebook Comments