MANILA – Hawak na ng NBI-Cyber Crime Division ang ilang impormasyon na makapagtuturo sa mga nasa likod ng pangha-hack ng website ng Comelec nitong marso.Sabi ni Cyber Crime Division Head Ronald Aguto, sa tulong ng mga hawak nilang impormasyon, umaasa silang mahuhuli rin kaagad ang mga suspek sa pangha-hack.Una nang kinumpirma ng Trend Micro, isang Global Software Security Company na kasama sa naisapubliko ang personal at sensitibong impormasyon ng lahat ng mga rehistradong botante sa buong bansa.Ayon kay Comelec Spokesman Dir. James Jimenez, iresponsable ang alegasyon dahil wala namang kakayahan ang Trend Micro na i-validate ang impormasyong ito.Nabatid na dalawang grupo ang iligal na nakapasok sa website ng Comelec ang Anonynous Philippines na nagdeface ng website at ang Lulzsec na nagleak ng buong database ng komisyon.
Mga Nang-Hack Sa Website Ng Comelec – Malapit Ng Mahuli Ng Nbi
Facebook Comments