Mga nanggulo sa Wattah-Wattah Festival sa San Juan, tinutunton na ng San Juan Police at ng LGU

Tiniyak ng San Juan Police at ng San Juan Local Government Unit (LGU) na hahabulin nila ang mga nanggulo sa Wattah-Wattah Festival noong Lunes.

Ayon kina San Juan Police Chief Col. Francis Allan Reglos at Mayor Francis Zamora, kinokolekta na nila ang lahat ng mga larawan at video sa social media para matukoy ang mga nanggulo sa nasabing basaan festival.

Inatasan na rin ang San Juan Philippine National Police at ang mga opisyal ng barangay na tumulong sa pagtunton sa mga puwersahang nambasa sa mga sibilyan na dumaan sa lungsod noong Lunes.


Kinumpirma rin ni Col. Reglos na sinampahan na ng kasong physical injury ang residenteng nangwisik ng muriatic acid sa mukha ng isang sibilyan.

Facebook Comments