Ayon kay Christopher Binoya ng NAPOLCOM Region 2, mahigpit aniya itong ipinagbabawal dahil libre ang pag-aapply sa PNP.
Kasunod ito ng kanilang natanggap na impormasyon na mayroong nanghihingi ng bayad sa mga police applicants sa bayan ng Angadanan, Isabela.
Kaugnay nito, hiniling ng NAPOLCOM sa bawat Barangay Officials sa Lungsod ng Cauayan kasabay ng isinagawang Community Service-Oriented Policing (CSOP) System na ipagbigay alam agad sa himpilan ng pulisya o sa mismong hepe ng PNP Cauayan kung mayroong kakilala o naniningil ng bayad sa mga gustong pumasok sa Pambansang pulisya para mahuli ang mga ito.
Pinaalalahanan din ni Binoya ang mga kapulisan na huwag hayaan ang mga taong nananamantala sa mga aplikante dahil kawawa naman aniya ang mga mabibiktima ng mga ito.