Pinangalanan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang limang ahensya ng gobyerno na nananatiling ‘underspending’ o mababa ang obligation rate.
Sa pinakahuling datos ng Department of Budget and Management (DBM) nitong June 30, nangunguna rito ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na may 9.2%.
Sinundan naman ito ng Commission on Elections (COMELEC) na may 26.1%, Department of Agrarian Reform (DAR) na mayroong 28.9% obligation rate, Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may 34. 2%1, at Department of Energy (DOE), na may 34.3%
Ayon kay Pangandaman, maaapektuhan ang hinaharap na budget ng mga tanggapan ng pamahalaan na mabibigong maabot ang kanilang target spending para sa taong 2023.
Matatandaang nauna nang nagsumite ng catch-up plan ang DBM para sa mga ahensya ng gobyerno na hindi pa nagagastos ang kanilang mga pondo para sa mga programa o proyekto.